Marawi City, Lanao del Sur

Ang Aking Bayang Sinilangan

“Ang Marawi ay itinatag bilang Dansalan noong 1639 ng mga Spaniards na pinamumunuhan ni Francisco Atienza na mula sa Iligan at sinubukan niya kasama ang kaniyang tagasunod na sakupin ang buong Lake Lanao pero nabigo sila. Ang pagbabago mula sa kanyang opisyal na pangalang Dansalan at pinalitan sa pangalang Marawi ay dahil sa pakongresong pagbabago ng Charter noong 1956 na ang tumangkilik o nag-isponsor ay si Senador Domocao Alonto. Ito ay kinatawan ng Republic Act No. 1552 pinetsahan nang June 16, 1956.”

Ang mga tao sa Marawi ay tinatawag na Maranao at nagsasalita nang sarili nilang lengguwahe (Maranao language). Ang siyudad ay tinatawag ding “Summer Capital of the South” dahil ang kinalalagyan nito ay nasa taas at kalamigan ng kanyang klima.

Maranao (Meranao o Maranaw)

maranao

Ito ay tinaguriang mga tribong nasa timog. Ang kahulugan ng Maranao ay “People of the lake” o “Mga tao sa ragat”. Kilala sila na rehiyon ng mga Muslim sa isla ng Mindanao. Ang Maranao ay parte ng mas malawak na katutubong grupo ng Moro.

Gusto kong ibahagi sa inyo ang nalalaman ko tungkol sa aming Relihiyon.

KULTURA

  1. Lake Lanao at Lantsa – isang Bangka.
  2. Torogan – ang bahay ng mga Maranao.
  3. Darangan – ito ay ang sikat na epikong Maranao
  4. Kirim – isa itong pre-Hispanic na pagsusulat na namana sa letra ng mga Arabe (Arabic).
  5. Singkil – sikat na sayaw ng mga Maranao.
  6. Okir – ang disensyong pwede nilang ilagay sa kanilang torogan.
  7. Sarimanok, Papanoka “Mra” o “Marapatik” – ito ay ang sikat na makakasaysayang ibon ng mga Maranao na naging simbolo ng kanilang sining.
  8. Kulintang – ito ay ang karaniwang instrument sa musika nila.

This slideshow requires JavaScript.

PANANAMIT

images

Ang “malong” ay ang tradisyong kasuotan ng mga Maranao. Ito ay malalaki ang sukat at ang tela nito ay makukulay na hinabi at pinagtigpi na kaugaliang isinusuot nila pambalot sa kanilang katawan.

EKONOMYA

Ang ekonomya ng Marawi ay nakabase sa agrikultura at pangangalakal. Karamihan sa mga Maranao ay malaki ang alam nila sa agrikultura. Kung pupunta ka ng Marawi madadaanan mo doon ang NPC – Agus 1 Hydro Electric Power Plant.

KAUGALIAN AT PAMUMUHAY

Ang mga tao doon ay nakatira malapit sa lawa ng Lanao na dito din hinango ang kanilang pangalan. Kaya naman ang karaniwang pamumuhay nila dito ay pangingisda at pagsasaka.

Magaling sila magdisenyo ng mga damit, banig at sa kanilang mga kagamitang tanso.

Bawat relihiyon ay may kanya-kanyang pinagbabawal katulad rin ng mga Maranao.

MGA IBANG HALIMBAWA NA IPINAGBABAWAL NG ISLAM

  • Pinagbabawal ang pag-inom ng alak.
  • Pinagbabawal ang pagkain ng baboy.
  • Pinagbabawal ang pagkain ng karne na mayroong mga pangil.
  • Pinagbabawal sa mga babaeng Muslim ang pagsuot ng maiiksi at masisikip na damit.
  • Pinagbabawal din ang pagkakaroon ng nobya o nobyo na hindi legal sa kanilang mga magulang o hindi alam ng mga magulang.
  • Pinagbabawal din sa mga lalaki ang pagsuot ng mga ibang kagamitan ng mga babae halimbawa nalang ng ginto, seda at pilak dahil ito ay para sa mga kababaihan lamang.

Pinagbabawal ang pagkaing hindi kinatay halimbawa ng mga karne na ang ginamit na proseso ay makina. At ang mga hayop na hindi Muslim kundi Kristiyano o Hudyo ang nagkatay ay ipinagbabawal ding kainin ng mga Muslim.

LAKE LANAO

LDS_Rappler_11
The perfect view of Lanao del Sur

Ang Lawa ng Lanao ay isang malaking lawa sa Pilipinas, na matatagpuan sa Lanao del Sur lalawigan ng bansa sa kanlurang bahagi ng isla ng Mindanao. Ito ang pinakamalaking lawa sa Mindanaw, pangalawa sa pinakamalaking lawa sa Pilipinas at kabilang sa labinlimang sinaunang lawa sa buong mundo.

DIGMAAN SA MARAWI CITY 2017

10ruinmarawi-620x414

Nagsimula lahat noong Mayo 23, 2017 , ang sikat na grupong Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) at ang grupo ng mga Maute ay umatake sa siyudad ng Marawi City. Nang mag-iisang buwan na ang gera, ang Presidenteng Duterte ay ideneklara ang Martial Law sa isla ng Mindanao, kung saan nagaganap ang labanan. Sa ngayon ay patuloy parin ang labanan pero kumunti na ang mga kalaban kumpara sa una.

Para sa mga kapatid kong Maranao at Kristiyanong nasiraan at nawalan ng pamumuhay sa Marawi dahil nga sa sanhi ng gyerang ito, sana po wag kayong mawalan ng pag-asa, wag po kayong tumigil manalangin at mag-pasalamat sa Diyos dahil nandito parin tayo sa mundong ating ginagalawan. Huwag kayong mawalan ng lakas dahil pare-parehas tayong nawalan ng pera, pamumuhay, bahay at ang pinakamasakit sa lahat ay ang mga mahal natin sa buhay alam nating lahat na mahirap at masakit ang mawalan ng kahit ano nito pero ang dapat lang natin gawin ay ang BUMANGON at HARAPIN lahat ng pagsubok na dadaan sa atin ngayon o sa balang araw. Sana sa mga nangyari ay makakuha tayo doon ng aral at sa mga pinagdaanan nating sakit at ang mga sugat na dulot nito ay gamitin nalang natin itong gabay sa ating muling pagbangon.

-Lysa

Author: GandangDyosa

Imagine. Believe. Achieve. -for everyone

Leave a comment